Kate Dayawan

(Photo courtesy: 6ID)
MAGUINDANAO - Kasabay ng pagkatalaga kay Brigadier General Eduardo Gubat bilang Acting Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central, ipinaalala ni Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr. ang kanyang thrusts o command guidance sa mga kasundaluhan sa pamamagitan ng acronym na ”SERVE.”
Ito ang kanyang ibinida sa kanyang pagbisita sa Kampilan noong Sabado, May 21.
Ani Brawner, sa kanyang pag-upo bilang Commanding General ng Philippine Army, layunin na nito na matugunan ang pangangailangan na maalagaan ang physical at mental health ng mga kawal ng sandatahan.
Kailangan rin umano na ma-Enhance ang kakayahan ng mga sundalo at unit competencies upang ang mga ito ay maging well-equipped, well-prepared at well-trained dagdag na dito ang pagbibigay ng pamunuan ng mga higit na kinakailangang “Resources” sa baba upang matulungan ang mga units na mapagtagumpayan ang kanilang misyon.
Binigyang diin rin ni Brawner na ang tatlong thrusts na ito ang maghahatid sa Army sa isang tagumpay laban sa mga grupong banta sa seguridad upang maayos umanong maisagawa ang eleksyon sa bansa, na aniya, ay nakita naman umano kung gaano ito ka-epektibo ang ginawang stratehiya ng 6ID upang mapanatiling maayos at ligtas ang eleksyon.
Pangako rin nito sa bagong pamunuan ng 6ID na asahan ang mga darating na assets mula sa Philippine Army.