Kael Palapar

BANGSAMORO REGION - Sa pamamagitan ng isang joint memorandum circular no. 2021-001 ng Department of Health at Commission on Higher and Education, isinasaad dito ang pagpaparehistro ng mga estudyante ng higher education sa bansa sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth kasabay ng pagpapatupad ng limited face-to-face classes.
Ayon kay Marjuni Maddi, Director General ng CHED BARMM bagama’t para sa kapakanan ng mga estufyante ang nasabing hakbang kinakailangan rin ikonsidera ang economic status ng mga magulang.
Ang nasabing pagpaparehistro ng mga estudyante sa PhilHealth ay nagkakalahalaga ng PHP 300 bawat quarter o PHP 1,200 kada taon.
Ang contribution ng mga estudyante sa PhilHealth ay magagamit sa mga gastusin sa gamot at iba pa kung sakaling magiging positibo sa COVID-19.
"Kung sinabi ng IATF, DOH, DepEd na ang school ay complaint, di dapat pagdudahan" dagdag ni Maddi.
Bagama't may nakikita rin positibong aspeto ang pagpaparehistro ng mga estudyante sa PhilHealth pero nagpapatuloy pa umano ang diskusyon ng CHED-BARMM hinggil sa pagpapatupad ng alintuntuning ito.