Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa pagpasok ng Sityembre, ilang buwan bago pa man ang kapaskuhan...tumaas na ang presyo ng mga ham sa merkado.
Ang whole ham na dating nabibili sa halagang P 1,700, ngayon ay nasa P 1,900 na.
Ang sliced ham na dating P 1, 560 hanggang P 1, 680, ngayon ay naglalaro na mula P 1, 600 hanggang P 1, 720.
Ang scrap ham na dating nabibili sa halagang P 1, 480, ngayon ay P 1, 520 na.
Habang ang pineapple ham na dating P1,080 kada kilo, ngayon ay nasa P1,120 na.
Inaasahang tataas pa ang presyo ng ham, habang papalapit ang pasko.