Alejandro M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 10, 2022

Photo courtesy : Cotabato City Health Office
Cotabato City, Philippines - Hinihikayat ngayon ng Cotabato City Health Office ang publiko na dumalo at makiisa sa Bayanihan Bakunahan Part IV na kanilang isinagawa ngayong araw at magtatagal ng hanggang March 12.
Sa report mula sa Cotabato City Health, sa kasalukuyan ay nasa 55% pa lamang mga naitalang fully vaccinated sa lungsod.
Kailangan na umanong maabot ang target na 70% nang sa ganoon ay maibalik na sa Alert Level 1 ang Cotabato City.
End.