Amor Sending | iNEWS | January 25, 2022

Photo Courtesy: Google Photo
Cotabato City, Philippines - Baliktarin ang desisyon ng 2nd Division.
Ito ang hiling ng mga Civic Leaders na pinangunahan ni Father Christian Buenafe sa Comelec en Banc sa isinumite nilang motion for partial reconsideration nitong Lunes.
Ayon sa isinumeting mosyon ng mga petitioner, bukod sa hiling na repasuhin ang pagbasura ng Second Division sa petisyon na kanselahin ang COC ni Marcos, hiniling din ng mga petitioner sa Comelec na huwag isama ang pangalan ni Marcos sa opisyal na Halalan 2022 ballots.
Pinabulaan rin nila ang napag-alaman ng 2nd Division na ang kanilang kaso ay dapat ibasura dahil sa pagbanggit ng mga batayan maliban sa false material representation.
Iginiit ng mga pinuno ng sibiko na Mali ang mga materyal na representasyon ni Marcos na siya ay "kwalipikado" at hindi hinatulan ng krimen na may perpetual disqualification bilang parusa.
Dagdag pa nito, na nagkamali rin ang 2nd Division sa pag-interpret ng Court of Appeals conviction kay Marcos.
Tinanggihan din nila ang natuklasan ng 2nd Division na si Marcos ay "honestly thought or believed he has never been disqualified from holding public office."
Sinabi ng mga petitioner na "Ang desisyon na ito ay taliwas sa batas"