COCONUT FARMERS

Photo Courtesy: Department of Agriculture-Philippines
Sa mga coconut farmers sa BARMM, good news po para sa inyo dahil ano mang araw simula ngayon, ipatutupad na ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform ang 78.2 million pesos na pondo para sa intercropping ng kape at cacao sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP)
Ang coconut farmers ang target ng MAFAR para sa intercropping ng kape at cacao na laman ng nilagdaang memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Agriculture kung saan naglaan ng 78.2 million pesos na pondo sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).
Ang “Coconut-Based Coffee and/or Cacao Enterprise Development Project (C3EDP)” ay naglalayon na suportahan ang smallholder coconut farmers sa intercropping ng kape at cacao, mapakinangan ba ang mga coconut lands, i angat ang sufficiency ng local coffee and cacao, paunlarin ang community-based enterprises, at turuan ang mga magsasaka na ingatan at protektahan ang mga natural resouces.