Lerio Bompat | iNews | January 18, 2022

Courtesy: Google Photo
Cotabato City, Philippines - Naglabas na ng desisyon ang COMELEC 2nd Division kaugnay sa petisyong kanselahin ang certificate of candidacy ni Partido Federal ng Pilipinas Presidential Candidate Bongbong Marcos- Ayon sa COMELEC, wala silang nakita ng pruweba na may intension si Marcos na lokohin ang mga botante base sa naging alegasyon sa petisyon na material misrepresentation. Kaya ibinasura ng COMELEC ang petisyon. Ipinagpasalamat naman ng kampo ng dating senador ang naging desisyon ng commission on elections. Hinihintay pa ng kampo ni Marcos ang desisyon ng COMELEC 1st Division kaugnay naman sa petition for disqualification. Maantala pa ang paglabas ng desisyon matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang staff ng Comelec commissioner.