Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 17, 2022

Photo courtesy : COMELEC
Cotabato City, Philippines - Sa pagsisimula ng campaign period para sa 2022 National and Local Elections, nagpatupad ang COMELEC ng mga pagbabago sa pangangampanya ng mga kandidato bilang pag-iingat laban sa COVID-19.
Ito ang COMELEC Resolution No. 10732 na nagsasaad ng mga alituntunin sa pagsasagawa ng physical campaign, rallies, meetings at iba pang related activities.
Sa ilalim ng resolution, papayagan lamang ang mga in-person political gatherings tulad ng campaigning, rallies, caucuses, meetings, conventions, motorcades, caravans, and miting de avance kung sila ay may permit mula sa Comelec Campaign Committee (CCC), isang multi-agency "super body" na in charge sa pagpapatupad ng mga aktibidad patungkol sa Halalan 2022.
Ngunit maraming mga kandidato at mga tagasuporta nito ang tila hindi ito nagustuhan at nagreklamo patungkol dito at sinabing "overreaching" at "restrictive” daw ang nasabing alituntunin.
Partikular nilang tinutukoy ang paghingi muna ng pahintulot mula sa CCC.
Kaya naman, sinabi ng Comelec na bukas sila upang i-review ito.
Ayon kay Comelec acting chairperson Socorro Inting, ang mga alintuntunin ng Comelec ay nakabase umano sa guidelines ng Inter Agency Task Force. Maaari umano nilang i-revise ang mga alintuntuin dahil nang ginawa nila ito ay nasa 3 ang alert level.
Ngunit ayon naman kay Comelec spokesman James Jimenez, non-negotiable ang ilan sa mga probisyon ng nasabing resolusyon.
Para kay former acting Justice Secretary at election lawyer Alberto Agra maikokonsidera umano itong red tape.
Potentially unconstitutional naman umano ang nasabing resolusyon para kay Emil Marañon, isang election lawyer at dating chief of staff ng isang Comelec chairman.
Para naman kay presidential aspirant Manny Pacquiao, masyadong OA ang ilan sa mga ipinagbabawal sa pangangampanya.
February 8 nang magsimula ang campaign period para sa national position candidates habang magsisimula naman sa March 25 ang kampanya para sa mga local aspirant.
End.