top of page

COMELEC, NAG-UMPISA NA SA PAG-IMPRENTA NG BALOTA PARA SA HALALAN SA MAYO

Amor Sending | iNEWS | January 24,2022


Courtesy: Rappler


Cotabato City, Philippines - Bandang alas onse ng umaga kahapon, January 23 ng magsimula ang printing ng official ballots na gagamitin sa National at Local elections sa Mayo 9, ito ang sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez.


Matatandaang ilang beses inurong ang printing dahil sa pagsasapinal ng magiging itsura ng balota at nagkaroon pa ng ilang technical issues.


Ayon sa tagapagsalita, Mahigit 2.5 milyong balota ang ipi-print para sa rehiyon ng Bangsamoro


Dagdag pa nito, na natapos na rin ng Comelec ang pag-imprenta ng mga balota para sa manual local absentee voting (LAV) at overseas voting.


Ang Komisyon ay nagsimulang mag-imprenta ng humigit-kumulang 60,000 LAV na balota noong Huwebes.


Sinabi ng Comelec na 67,442,714 opisyal na balota ang iimprenta para sa darating na halalan, kung saan higit sa 1,697,202 ay para sa mga botante sa ibang bansa.


Umaasa naman si Printing Committee Vice-Chair, Director Helen Aguila-Flores na matatapos nila ang pag-imprenta bago ang Abril 21.

6 views
bottom of page