top of page

COMM'R FEROLINO, HINDI BUMIBIGAY SA PAG-IINGAY NI COMM'R GUANZON PARA ILABAS ANG DRAFT RESOLUTION

Lerio Bompat | iNEWS | February 1, 2022

Photo Courtesy: PNA




COTABATO CITY, Philippines- Sa kabila ng pag-iingay at pangangalampag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, hindi pa rin bumibigay si Commissioner Aimee Ferolino para ilabas ang draft resolution sa mga kasong disqualification laban kay presidential candidate Bongbong Marcos. 


Sa report mula sa abs-cbn.com Ilang araw nang kinakalampag ni Guanzon si Ferolino, na itinuro niyang ponente o kung kanino nai-raffle ang kaso, kahit bawal itong isapubliko. Hindi rin binabawi ni Guanzon ang paratang na may senador na aniya’y nang-iimpluwensya sa kaso. Hinala ni Guanzon, ayaw umano ng mga kasama niya na mapasama siya sa botohan ng kaso. Dahil dito, inilabas na niya ang kanyang separate opinion pabor sa diskuwalipikasyon ni Marcos. Sa 24 pahinang opinyon, ipinaliwanag ni Guanzon na disqualified si Marcos dahil sa hindi paghahain ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985, na maituturing umanong moral turpitude.  Samantala, pumalag naman si Ferolino sa mga patutsada ni Guanzon. Aniya, walang delay dahil si Guanzon lang umano ang nagtakda ng Jan. 17 deadline para sa resolusyon at hindi ang First Division. Sabi pa ni Ferolino, tigilan na ni Guanzon ang pagkokondisyon sa isip ng publiko.

1 view
bottom of page