top of page

COMMERCIAL FLIGHTS SA SURIGAO CITY, IBINALIK NA MATAPOS ANG PANANALASA NG BAGYONG ODETTE SA LUGAR

Mr. Jay M. Lasola Jr | iNEWS Phils | March 29, 2022

Photo courtesy of Engr. Junelito Abrazado of CAAP Surigao City via City Tourism Officer Roselyn Merlin.


Photo courtesy : Cebu Pacific Air


Cotabato City, Philippines - Bumalik na ang commercial flight sa Surigao City Airport kahapon, March 28, matapos itong isara nang tamaan ng bagyong Odette, ayon sa mga local offficials ng lungsod.


Sa Facebook post ni City Tourism Officer Roselyn Merlin, masayang sinalubong ang CEBUPAC ng mga local officials.


Ang muling pagbabalik ng biyahe sa Surigao City ay kinumpirma ng Public Information office base sa pahayag ng local Civil Aviation Authority of the Phils, Engr. Junelito Abrazado.


Ayon sa pahayag ni Merlin sa ABS-CBN News, nasuspendi ang commercial flight mula Dec 17, 2021, isang araw matapos itong hagupitin ng bagyong Odette at sinara upang ma-rehab at maayos ang mga nasirang facilities. Ngunit, pinayagan din na maka-landing ang mga eroplanong nagdadala ng mga relief goods, partikular ang Philippine Air Force.


Ang muling pagbabalik ng commercial flight ay muling makapagpasigla ng turismo at economic activities ng Surigao City.


End.

2 views
bottom of page