Kate Dayawan | iNEWS | January 27, 2022

Courtesy: MPOS-BARMM
COTABATO CITY, Philippines - Tatlumpong partisipante ang nakilahok sa isinagawang community-based training on Mediation and Values Transformation ng Ministry of Public Order and Safety sa Midsayap, North Cotabato.
Ang mga nasabing indibidwal ay mga local mediator ng Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na binubuo ng Bangsamoro Islamic Armed Forces members, mga representante mula sa United Youth for Peace and Development, mula sa sektor ng mga kababaihan, council of elders at area coordinators ng 63 barangay ng SGA.
Layon nito na mapalakas ang kapasidad ng mga partisipante sa conflict mediation and resolution sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin bilang peacekeepers at bilang mga peace advocate ng kanilang komunidad.
Isinagawa rin ang aktibidad na ito upang maiwasan ang pagre-recruit ng mga kabataan sa mga teroristang grupo.