Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES
Isa sa mga prayoridad ng Provincial Government ng South Cotabato ay ang Serbisyong Medikal.
Isinusulong nito ang magandang kalusugan, at agarang pagtugon sa mga nangangailan ng medical treatments kahit sa mga malalayong lugar.
Kaya naman, naghandog si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ng bagong commuter Van para sa Integrated Provincial Health Office upang palawakin pa ang paghahatid ng serbisyong medikal sa mga South Cotabatenios partikular sa sakit na Tuberculosis, HIV at iba pang infectious diseases.
Layunin ng commuter Van ang mas accessible na pamimigay ng medical treatment lalo na sa mga remote areas o sa malalayong lugar.