top of page

COMPETENCY ASSESSMENT


Photo Courtesy: Ministry of the Interior and Local Government


Isinailalim sa Competency Assessment ang siyamnapu at tatlong pioneer Local Government Operations Officers ng Ministry of the Interior and Local Government na nagtapos sa pagsasanay na pinangasiwaan ng Local Government Academy.


Dumating sa lungsod araw ng Lunes, ang mga assessors mula sa Local Government Academy para sa Competency Assessment ng siyamnapu at tatlong Local Government Operations Officer na sumailalim sa pagsasanay na pinangasiwaan ng LGA.


Nagtalaga ang LGA ng 21 assessors mula sa iba’t ibang rehiyon para sa evaluation ng mga nagtapos.


Sa Competency Assessment, magkakaroon ng simulated exercises at in person interviews.


Layon nito na mapalakas pa ang internal and organizational competencies ng mga LGOO at mailatag at maitaguyod ng wasto ang mandato ng MILG na magkaroon ng LGOO na mayroong sapat na kakayahan sa pagbibigay ng oversight at operational support sa mga Local Government Units sa pagpapatupad ng mga programa ng ministeryo.


Gayundin ang pag-empower sa mga LGU na magiging accountable at responsive sa kanilang mga nasasakupan.


Nagkaroon din ng orientation sa mga assessors hinggil sa national programs ng MILG at assignments ng mga LGOO.


Dinalal din ng MILG ang mga assessors sa Negosyo Center ng MTIT at ipinakilala ang mga produkto ng rehiyon bago nagtungo sa Bangsamoro Museum kung saan ibinahagi ng MILG ang kasaysayan ng Bangsamoro.


Ang Local Government Academy, na training arm ng DILG ay sakop ang human resource development and training ng local government officials at personnel para sa Departmento nito, bureaus at regional offices.


Ang comprehensive assessment ay mula April 26 hanggan April 28, 2023 sa Cotabato City.

4 views0 comments

Recent Posts

See All