CONFERENCE ON FREEDOM OF RELIGION OR BELIEF

Dumalo si Member of Parliament Amir Mawallil sa ika-apat na International Parliamentarians' Conference on Freedom of Religion or Belief sa Nairobi, Keyna.
Isinasagawa ngayon sa Nairobi Kenya ang 4th International Parliamentarians' Conference on Freedom of Religion or Belief.
Isa sa mga dumalo sa pulong si Member of Parliament Amir Mawallil. Tema ng pulong 'Leave No One Behind' na sentro ng international initiative, na bahagi ng UN 2030 Agenda para sa Sustainable Development na naglalayong tugunan ang mga hindi pagkakapantay-pantay at kahinaan sa buong mundo.
Ayon sa mambabatas ang Freedom of Religion or Belief (FoRB) na nakasaad sa Article 18 ng Universal Declaration of Human Rights ay isang mahalagang haligi ng human dignity.
Nais ng mambabatas na makamit ang pagkakapantay-pantay kasama ang iba pang miyembro ng iba’t ibang relihiyon, pananampalataya, at paniniwala.
Kasama ang isang daang parliamentarians sa buong mundo, hangarin ng mga dumalo na magkaroon ng positive impact sa estado ng kaparatang pantao.
Nagpapasalamat naman si MP Mawallil sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng
International Panel of Parliamentarians for Freedom of Religion or Belief, Konrad Adenauer Stiftung, ng ASEAN Parliamentarians for Human Rights.