CONFLICT-SENSITIVE & PEACE PROMOTION APPROACHES

Photo Courtesy: Ministry of the Interior and Local Government
Pinalalakas ng Ministry of Interior and Local Government at ng United Nations Development Programme ang capacity building on Conflict-Sensitive And Peace Promotion approaches para sa Regional Peace and Order and Public Safety – Technical Working Group members.
Isinasagawa ng Ministry of Interior and Local Government at ng United Nations Development Programme ang capacity building on Conflict-Sensitive And Peace Promotion approaches para sa Regional Peace and Order and Public Safety – Technical Working Group members.
Ito’y upang mahasa ang kapasidad at kahandaan ng mga RPOPS-TWG member bago ang paggawa ng Regional Peace and Order and Public Safety Plan 2024-2027.
Ang hakbang ng council ay naglalayong bumuo at aprubahan ang isang panrehiyong komprehensibong plano sa pagtatapos ng 2023 na mahusay na idinisenyo upang maiwasan at matugunan ang mga umuusbong na isyu sa rehiyon na may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan, kaligtasan ng publiko, at seguridad sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa, proyekto, mga aktibidad, at iba pang nauugnay na interbensyon.
Ang nakaraang Bangsamoro Regional Peace and Order Council (BRPOC) 4th quarter regular meeting para sa CY 2022, na pinangunahan ni Chief Minister Ahod B. Ebrahim, Al-Haj, ay nag-apruba ng isang resolusyon para sa pagbuo ng RPOPS Plan 2024-2027.
Sa ilalim ng resolusyon, kinailnagan ang pagbuo ng isang technical working group upang tumulong sa pagkamit ng nakasaad na layunin.
Inaasahan naman ang pagsasagawa ng serye ng mga aktibidad sa pagpaplano at konsultasyon.