top of page

CONG. TOTO MANGUDADATU, TINANGGAP NA ANG PAGKATALO SA PAGKA GUBERNADOR NG MAGUINDANAO

Kate Dayawan

MAGUINDANAO — Taas noo pa rin umano si incumbent Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu kahit na nabigo ito sa hangarin na mas mapaglingkuran pa ang mga mamamayan ng Maguindanao sa pamamagitan ng pagtakbo nito sa pagka gubernador.


Ito ay dahil umano sa sinimulan at tinapos niya ang kanyang laban nang malinis at tapat.


Ito ang kanyang naging pahayag matapos lumabas ang resulta ng naging halalan noong Lunes, May 9, 2022.


Aniya, sa kabila ng mga nangyari ay nananatili pa rin umano itong matatag at umaasa na ang lahat ng pagsubok ay pansamantala lamang.


Lubos ang naging pasasalamat ng kongresista sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP) na pinamumunuan ni Chief Minister Al-Haj Murad Ebrahim sa tiwala at suporta na ibinigay umano nito sa kanyang kandidatura. Karangalan umano nito na mapabilang sa hanay ng isang grupo na tunay na magtataguyod sa kapakanan ng Bangsamoro.

Pangako nito patuloy umanong susuporta si Mangudadatu sa pagsulong ng Kapayapaan at sa lahat ng adhikain ng UBJP.


Pinasalamatan rin nito ang lahat ng mga tagasuporta nito, kapartido, mga anak at kapatid dahil sa maga nagdaang buwan ay nakita umano nito ang nag-uumapaw na pagmamahal ng mga ito. Hiling nito n asana ay mahinahon na at pusong tanggapin ang naging resulta.


Abot lamang sa 209,229 ng botong nakuha ni Toto Mangungudatu, mababa kaysa sa nakuhang boto na nakuha ni incumbent Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na 327,416.


258 views
bottom of page