top of page

Congressman Toto Mangudadatu, napiling standard bearer ng UBJP

Kate Dayawan | iNEWS | September 27, 2021


Cotabato City, Philippines - Pinangunahan ni Bangsamoro Chief Minister at President ng United Bangsamoro Justice Party mga kakandito mula sa kanilang partido para Provincial Government ng Maguindanao.


Tatakbong gobernador si Congressman Esmael "Toto" Mangudadatu.


Vice governor naman ang tatakbuhan ni dating Congresswoman Bai Sandra Sema.


Napili naman ng partido na tatakbo bilang Congressman ng 1st District ng Maguindanao na si incumbent Datu Roonie Sinsuat.


Habang tatakbo naman bilang alkalde ng Datu Odin Sinsuat si Datu Jamael Sinsuat


Ayon sa Facebook post ni Atty. Naguib Sinarimbo, ang mga nabanggit na opisyal ay ang mga hindi bumitaw sa pagsuporta sa organisasyon ng enactment ng Bangsamoro Organic Law at maging ang pagsulong sa pagpapalawig ng Bangsamoro Transition Authority sa 2025.


Nangako umano ang pamunuan ng partido na gagamitin ang lahat ng kanilang resources at lakas upang masigurong mananalo ang kanilang mga kandidato.


Sisiguraduhin ng UBJP na mapupuno ng kanilang mga kandidato ang mga elective post sa Maguindanao at Cotabato City.




25 views
bottom of page