Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Matapos ilatag ang usapin sa agrikultura sa unang distrito ng Maguindanao,
Idinulog naman Contresswoman Bai Dimple Mastura ang nagpapatuloy na problema sa suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Maguindanao matapos magkaroon ng Budget Hearing ang Department of Energy sa kongreso.
Ito ay ikalawang beses na idinulog ng kongresista ang suliranin sa kuryente sa kagawaran.
Matatandaang nitong Hulyo, nakipag-pulong ang opisyal sa mga kinatawan ng PSALM upang pag-usapan at sagutin ang mga isyu patungkol sa kakulangan ng suplay ng elektrisidad sa probinsya ng Maguindanao.
Binigyang-diin ng Kongresista ang kasalukuyang paghihirap ng mga mamamayan sa Maguindanao dulot ng kakulangan sa supply ng kuryente maging ang mga negosyong naapektuhan dahil dito.
Layunin ng kongresista na sa lalong madaling panahon, uusad at masolusyunan ang usaping ito bilang miyembro rin ito ng House Committee on Appropriations na syang tumututok sa paglalaan at pagsiguro ng karampatang pondo ukol sa paggasta at bayarin ng gobyerno sa lahat ng programa nito.