top of page

Construction worker, arestado; P408,000 halaga ng iligal na droga, nasamsam!

Kristine Carzo | iNEWS | September 8, 2021


Cotabato City, Philippines- Arestado sa isinagawang Anti-illegal Drug Operations ng PNP BARMM sa Marawi City ang isang 41 anyos na construction worker na kinilala sa pangalang Datu, a-sais ng Setyembre, araw ng lunes sa Barangay East Basak ng lungsod.


Nakumpiska ng otoridad sa isinagawang operasyon ang animnapung gramo ng hinihinalang shabu na mayroong national average price na 408,000 pesos.


Matapos ang isinagawang operasyon ay agad na isinailalim sa dokumentasyon ang mga nbakuhang shabu at dinala ang suspek sa Marawi City Police Station. Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA-1965 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Photo Credit: PROBAR

12 views
bottom of page