top of page

Construction worker, arestado sa buybust operation ng pnp sa Cotabato City.

Kristine Carzo | iNEWS | September 17, 2021


Cotabato City, Philippines - Napasakamay ng mga otoridad ang isang construction worker matapos na maaresto sa ikinasang anti illegal drug operation ng PNP sa Barangay Rosary Heights 13 Cotabato City.


Kahapon, araw ng Huwebes, ikinasa ng mga operatiba mula sa PNP Station 3 ang buybust operation laban sa kinilalang si alyas Teodoro na residente ng Chinese Cementery RH 4, Cotabato City.


Sa report mula sa PNP isang police asset na nagpanggap na poseur buyer ang nakabili kay Teodoro ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 500pesos.


Matapos ang palitan ng pera at pinaghihinalaang shabu sa pagitan ng mga otridad at suspek agad na inaresto ng mga otoridad si Teodoro.


Nasa kostodiya na ng PNP Station 3 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




7 views
bottom of page