top of page

CONSTRUCTION WORKER PATAY MATAPOS BARILIN SA SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO

Kristine Joy Carzo | iNews | iMindsPH


Cotabato city, Philippines - Wala nang buhay ng datnang mga otoridad ang isang construction worker matapos na barilin umaga ng lunes sa National Highway ng Sittio Torres Barangay Limbo Sultan Kudarat Maguindanao.


Pasado Alas- siyete ng umaga, habang binabay-bay ang biktima ang Cotabato-Davao sakay ang kanyang kulay pulang XRM Motorcycle na may plakang MA 24507 ay bigla itong sinundan ng riding in tandem suspek at pinagbabaril ang biktima.


Kinilala ang biktima na si Aljun Singoon, Kwarentay Siyete anyos, construction worker at residente ng Barangay Makagiling Sultan Kudarat Maguindanao.


Sa report mula sa PNP papunta sana ng Cotabato City ang biktima ang ng maganap ang insidente.



Agad naman na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad upang matukoy ang suspek at motibo sa krimen.




7 views
bottom of page