Mr. Jay M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 24, 2022

Photo courtesy : news.abs-cbn.com
Cotabato City, Philippines - Mayroon na ulit labindalawang team ang maglalaro sa PBA. Ito’y matapos na tuluyan nang mabili ng Converge ICT Solutions Inc. ang prangkisa na Alaska.
Ito ang kunumpirma ng PBA sa presscon noong Miyerkules March 23, kung saan dinaluhan ito ng League Commissioner Willie Marcial at Alaska outgoing governor Richard Bachman at ang bagong governor dating PBA Commissioner Chito Salud.
Inaprubahan nang Board of Governors ang bagong team na Converge at nagkasundo sa terms and conditions.
Kasama na ang Converge sa susunod sa Season 47 sa June.
Ang Converge ay itinatag at pinamunuan ni CEO Dennis Anthony Uy.
End.