Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Matapos ang matagumpay na pagsabak ng Cool Smashers sa nakaraang Asian Volleyball Confederation Cup for Women na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City...
Muli na namang sasabak ang koponan ngayong September 9 hanggang 11 para sa Asean Grand Prix na gaganapin sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Mayroon lamang dalawang araw na pahinga ang Cool Smasher bago tuluyang sumabak sa pag-eensayo para sa nasabing kompetisyon.
Makakasagupa ng Cool Smashers ang ilan sa malalakas na bansa tulad ng Thailand, Vietnam at Indonesia.
Ito na ang ikatlong sunod na torneong lalahukan ng Cool Smashers.