Kristine Carzo | iNews | September 6, 2021
Cotabato city, Philippines - Kasabay ng No Movement Sunday Policy, nagsagawa rin ng disinfection at cleaning activity ang market administration ng lungsod sa Cotabato City Arcade.
Pasado alas-otso ng umaga kasama ang Chinese fire volunteer brigade binomba ng mga ito ang palengke ng tubig na may dis-infectant upang masiguro ang kalinisan ng naturang palengke.
Ayon kay Market Administrator Gerard Kamensa, isa ito sa kanyang tutukan ngayon siya na ang bagong itinalagang market administrator ng lungsod.
Magsasagawa rin ito ng declogging activity sa mga palengke sa lungsod.
Bukod pa sa disinfection activity magkakaroon na rin ng profiling sa lahat ng mga market vendors na nagtitinda sa mega market area sa City Arcade.
Susuriin na din mga lisensya at permit ng bawat market vendors.
Ipinapangako naman nito sa lahat ng mga vendors na baba ito at kakausapin ang mga vendors upang tugunan ang mga problemang kinakaharap ng mga nagtitinda sa palengke.
