Lerio Bompat | iNews | January 6, 2022

Cotabato City, Philippines - Sa Facebook post ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi kahapon-
Ipinaalam ng alkalde sa lahat ng mga pasahero na sakay ng Philippine Airlines kahapon araw ng miyerkules, January 05, 2022, na kinakailangan ng mga ito na sumailalim sa home quarantine dahil mayroon isang pasahero ng eroplano na positive sa covid-19.
Ayon sa pahayag ng alkalde, araw ng martes nang sumailalim sa swabtest ang pasahero bilang standard procedure ng kanilang opisina at kahapon araw ng miyerkules, pagdating nito sa Cotabato City ay natanggap nito ang resulta ng swab test.
Nakipag-ugnayan agad ang ating City Health Office sa pasahero at isinailalim ito sa isolation.
Nakiusap din ang alkalde sa lahat ng mga bumibyahe via awang airport na dumaan sa triage areas upang magkaroon ng record ang Cotabato City sa pagdating ng mga pasahero.
Layon nito ayon sa opisyal ay upang hindi mahirapan pagdating sa contact tracing lalong lalo na at itinaas na muli sa alert level 3 ang Metro Manila bunsod ng banta ng Omicron Variant Ng Covid-19.
Ang pasahero na nagpositibo ayon sa pahayag ng alkalde ay hindi dumaan sa triage area. Isa itong bisita at sinundo ng mga empleyado ng barmm.
Panawagan ng alkalde sa lahat ng mga may bisitang VIP
Na sinusundo sa airport na dumaan sa triage areas na isa sa mga guideline ng IATF.