Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 31, 2022

Photo courtesy : City Government of Cotabato
Cotabato City, Philippines - Proud na ipinakita ng City Government ng Cotabato sa pamamagitan ng kanilang Facebook page ang parangal na iginawad ng Philippine Economic Zone Authority na Galing Pinas Partnership Excellence Award kay City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi at former City Administrator Dr. Danda Juanday.
Ginawaran ng parangal ang dalawang opisyal dahil umano sa pagpapakita nito ng buong suporta sa mga programa ng PEZA sa ecozone development, investment promotion, sa iba’t ibang polisiya at legislative actions nito at sa mga community projects nito na layong itaguyod ang Pilipinas bilang isang investment haven sa buong Asya.
Si former City Administrator Juanday ang nagsulong ng pagbuo ng Halal program sa Cotabato City at naging jumping board para naman sa pagbuo ng isang ecozone.
Patuloy rin umanong nakikipag-ugnayan si Mayor Sayadi sa mga potential investor ng lungsod at ng PEZA para sa posibilidad na maging isang ganap na economic zone ang Cotabato City.
End.