top of page

Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, kumandidatong muli bilang alkalde ng lungsod

Updated: Oct 6, 2021

Kristine Carzo | iNEWS | October 4, 2021


Cotabato City, Philippines - Dagsa ang mga taga suporta ni Cotabato City Cynthia Guiani Sayadi sa iba’t ibang lansangan sa lungsod, araw ng sabado, kasabay ng kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy sa tanggapan ng COMELEC.


Kumakandidatong muli bilang alkalde ng lungsod si Mayor Sayadi. Kasabay nitong naghain ng kanyang COC ang kanyang line-up para sa 2022 elections.


Running mate ng kasalukuyang alkalde ng lungsod si incumbent Vice-Mayor Graham Nazer Dumama kasama ang sampung tumatakbong konsehal.


Si Mayor Sayadi at ang buong line-up nito ay tumatakabo sa ilalim ng One-Kutawato Party.




18 views
bottom of page