Alejandro Lasola Jr. | iNEWS | February 25, 2022

Cotabato City, Phils - Nasa Category Yellow ang Cotabato City basi sa rekomendasyon ng Cotabato City Police Office dahil sa Intense Political Rivalry ng mga kandidato.
Ito ang inihayag ni CCPO Director PCol Rommel Javier sa ginawang Launching ng KASIMBAYANAN for Safe National and Local Election 2022.
Gayunpaman, ani Javier mayroong sapat na tauhan ang Cotanato City Police Office upang magbantay sa seguridad ng lungsod katuwang ang AFP, Coast Guard, at ibang pang mga related forces na mangasiwa sa nalalapit na halalan.
Kung sakaling magkaroon ng kakulangan sa pwersa ang CCPO, maaring naman umano silang humingi na dagdag na pulis mula sa PRO-BAR.
Sinabi ni Javier, na mahigpit ang utos ng PNP Higher Command, na ang Pambansang Pulis ay manatiling NUETRAL at may karampatan sanction or kaparusahan ang sinumang mapatunayang mayroong kinikilingang kandidato.
Ang launching ng KASIMBAYANAN na ginanap sa CCPO, PC HILL kung saan sinabi ni Javier na ang paglulunsad nito ay mahalaga dahil ito ang maghihimok sa mga Kawani, Simbahan at Pamayanan na lumahok sa aktibidad sa National at Local Election 2022 upang magiging malinis at maging mapayapa ang nalalapit na halalan.
End.