Kate Dayawan | iNews | January 3, 2022

Cotabato City, Philippines - Bukas ngayong araw ang tanggapan ng Cotabato Provincial Highway Patrol Group para sa beripikasyon ng mga narekober na mahigit apat na raang motorsiklo mula sa Intensified Law Enforcement Operation ng PNP at AFP sa Pikit, North Cotabato.
Una nang nanawagan ang CPHPG sa mga nawalan ng motorsiklo na sumangguni sa kanilang tanggapan dahil maaaring isa sa mga narekober ay pagmamay-ari ng mga ito
Para sa beripikasyon, kinakailangang dalhin ng mga nawalan ng motor ang Certificate of Registration, Official Receipt, Police Blotter noong araw ng pagkawala at dalawang valid identification card.
Matatandaang narekober ang ang daan-daang motorsiklo mula sa isang gawang warehouse ng limang napatay na suspek sa inilunsad na Intensified Law Enforcement Operation ng otoridad.