COURTESY VISIT | MEETING

MBHTE OFFICIALS, NAKIPAGPULONG SA MGA OPISYAL NG WESTERN MINDANAO COMMAND KAUGNAY SA MGA SERYE NG AKTIBIDAD NG MINISTERYO NA ISASAGAWA SA ISLAND PROVINCES SA SUSUNOD NG MGA ARAW
Bangsamoro Autonomous Region - Nakipagpulong si MBHTE Minister Mohagher Iqbal kay Western Mindanao Command Chief, Lt. General Roy Galido kung saan inilatag ng opisyal ang mga serye ng aktibidad na isasagawa ng ministeryo sa island provinces sa susunod ng mga araw.
Inilatag ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal kay Western Mindanao Command Chief, Lt. General Roy Galido sa courtesy visit nito ang mga aktibidad na isasagawa ng ministeryo sa island provinces sa susunod ng mga araw.
Kabilang dito ang delivery and distribution ng education-related supplies and equipment, groundbreaking ceremonies para sa contruction ng school building projects and facilities, renewal and contract signing ng Islamic Studies and Arabic Language (ISAL) teachers-asaatidz, graduation and distribution ng tool kits for Technical Education and Skills Development (TESD) scholars.
Sakop ng Western Mindanao Command ang Zamboanga Peninsula, Nothern Mindanao, at BARMM. Kasama din sa pulong ang mga opisyal ng Naval Forces Western Mindanao.
Ayon kay Minister Iqbal, ang courtesy visits ay "magandang pagkakataon na nagpalakas ng partnership at collaboration sa pagitan ng AFP at Navy sa pagtiyak ng kapakanan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi maging ng buong komunidad sa BASULTA.
Nagpaabot naman ng buong suporta si Lt. General GAlido sa lahat ng programa at proyekto ng MBHTE.