top of page

COVID-19 ALERT LEVEL SA ZAMBOANGA CITY, IBINABA NA SA ALERT LEVEL 2

Amor Sending | iNEWS | December 2, 2021

Photo courtesy : City Government of Zamboanga


Cotabato City, Philippines - Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang pagpapaluwag sa quarantine level matapos bumaba ang covid 19 cases sa lungsod ng ZAMBOANGA.


SIMULA DECEMBER 1 HANGGANG DECEMBER 15, 2021 NASA ILALIM NA NG COVID-19 ALERT LEVEL 2 STATUS ANG ZAMBOANGA CITY ALINSUNOD SA NIATF RESOLUTION 151-C NA INAPRUBAHAN NOONG NOVEMBER 29, 2021,


SA LOOB NG ALERT LEVEL 2 STATUS papayagan na ang intra zonal at interzonal travel. Papayagan na ring magbukas ang halos lahat ng establisyimento at business activities sa mas mataas na operational capacities liban na lamang sa mga lugar na nasa ilalaim ng grañular lockdowns.


Maximum of 50% ang indoor venue capacity para sa fully vaccinated individuals at para sa may edad labing walong taong gulang pababa kahit hindi pa bakunado, 70% capacity naman ang papayagan para sa mga outdoor venues.


Pinapayagan na rin ang in person gathering tulad ng mga misa, burol, necrological services at inurnment.

Pwede na ang pagsasagawa ng linsensure at entrance examination.


Bukod sa mga restaurant at kainan papayagan na rin mag operate ang mga venue para sa conferences at social gatherings.


Magbubukas na rin ang tourist attractions, amusement parks, mga sinehan, at playgrounds.


Maging ang pagtitipon ng mga hindi magkakasama sa isang bahay ay pinahintulutan din sa Alert Level 2.


Gayunman , mananatili namang sarado ang mga casino, karera ng kabayo at sabong.


Para sa mga establisyimento at negosyo na magbubukas, kinakailangang fully vaccinated ang lahat ng trabahador at empleyado.


Ang mga ahensya ng Pamahalaan ay mananatiling fully operational subalit limitado rin sa 50% on site capacity at may work from home flexible arrangements pa rin.


Sa datos ng City Health office, ilang araw ng bumababa ang Covid-19 cases sa Lungsod ng Zamboanga. Malaking dahilan nito ang mataas na vaccine coverage at pagsunod ng publiko sa minimum health standards.

10 views
bottom of page