top of page

COVID-19 patients sa ZCMC, nagkaupo na lamang sa upuan habang naghihintay na mailipat sa mga ward

Updated: Oct 9, 2021

Kate Dayawan | iNEWS | October 8, 2021


Cotabato City, Philippines - Ito ang mga larawang ibinahagi ng Zamboanga City Medical Center.


Walang maayos na mahihigaan ang mga pasyente ng COVID-19 dahil sa punuan na ang COVID-19 wards at ER.


Kaya't nakaupo na lamang ang iba sa upuan habang naghihintay na mailipat ang mga ito sa wards.


Hindi naman magkamayaw ang mga health worker sa dami ng mga pasyenteng dapat nilang asikasuhin.


Ayon sa tanggapan, tinatayang nasa tatlumpong COVID-19 patients kada araw ang naa-admit sa ZCMC, mas mataas kaysa mga indibidwal na tapos nang sumailalim sa quarantine.


Dahil dito, buong pusong nananawagan ang lokal na pamahalaan na ingatan ang bawat isa sa pamamagitan ng tamang pagsunod sa mga ipinapatupad na health and safety protocols.


As of October 6, 2021, nakapagtala na ang lungsod ng 16,788 na confirmed COVID-19 cases.


2, 246 dito ang aktibong kaso, 13,781 ang recoveries habang 761 naman ang nasawi.


Karamihan sa mga natatamaan ng sakit ay dahil sa community transmission habang ang iba naman ay mga APOR at bilanggo.





5 views0 comments

Recent Posts

See All