top of page

COVID - 19 UPDATE

Updated: Sep 7, 2021

Joy Fernandez | iNews | September 6, 2021


Cotabato city, Philippines - Nakapagtala ng 379 new cases ng Covid-19 ang SOCCSKSARGEN REGION as of SEPTEMBER 5, 2021.



Nangunguna pa rin sa may pinakamataas na kaso ang South Cotabato kung saan nakapagtala ito ng 12,703 cases ng Covid-19, pumapangalawa ang General Santos City na may 10, 508 na kaso ng Covid-19, pangatlo ang North Cotabato na may 7,385 cases, sinusundan naman ito ng Sultan Kudarat Province na mayroong 4,878 cases at panghuli ang Saranggani Province na may 4,238 na kabuuang kaso ng Covid-19.





Sa Bangsamoro Region, as of September 5 , 2021 nakapagtala ito ng 55 new cases ng Covid-19.


15 sa MAGUINDANAO, 31 sa LANAO DEL SUR at MARAWI CITY at 9 naman sa COTABATO CITY.


Umaabot na sa 10, 759 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa BARMM. 769 dito ang Active case, 9570 ang naka-recover na mula sa sakit at 420 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.





Sa ZAMBOANGA CITY, nakapagtala ang siyudad ng 61 new cases ng Covid-19 as of September 4, 2021.



Tinatayang umaabot na sa 12,780 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad ng Zamboanga. 296 ang aktibong kaso, 11, 853 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 631 naman ang pumanaw mula sa sakit.






Samantala, nakapagtala ng 67 na panibagong kaso ng Covid-19 ang ILIGAN CITY as of SEPTEMBER 4, 2021.



Sa kabuuan umaabot na sa 3904 ang kaso ng covid-19 na naitala sa Iligan city. Mayroon itong 772 na aktibong kaso ng Covid-19, 2850 naman ang bilang ng recoveries at 282 ang Covid-related deaths.





Sa Davao city mayroon naman itong 1,123 new cases ng Covid-19 as of September 5, 2021.



14,651 Ang aktibong kaso ng covid-19. 56, 704 ang recoveries at 2, 225 naman ang bilang ng mga namatay mula sa sakit.


Sa kabuuhan umaabot na sa 73, 632 ang kaso ng Covid-19 sa Davao city.







2 views
bottom of page