Joy Fernandez | iNEWS | September 7, 2021
Cotabato city, Philippines - Nakapagtala ng 381 new cases ng Covid-19 ang SOCCSKSARGEN REGION as of SEPTEMBER 6, 2021.
May pinakamataas pa rin na naitalang kaso ang South Cotabato kung saan nakapagtala ito ng 12, 134 cases ng Covid-19, pumapangalawa ang General Santos City na may 10, 616 na kaso ng Covid-19, pangatlo ang North Cotabato na may 7,472 cases, sinusundan naman ang Sultan Kudarat Province na mayroong 4,953 cases at panghuli ang Saranggani Province na may
4286 na kabuuang kaso ng Covid-19.

Sa BARMM, as of September 6, 2021 nakapagtala ito ng 78 new cases ng Covid-19.
11 sa MAGUINDANAO, 36 sa LANAO DEL SUR at MARAWI CITY at 31 naman sa COTABATO CITY.
Umaabot na sa 10,837 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa BARMM. 718 dito ang Active case, 9694 ang naka-recover na mula sa sakit at 425 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Sa ZAMBOANGA CITY, nakapagtala ang siyudad ng 60 new cases ng Covid-19 as of September 5, 2021.
Tinatayang umaabot na sa 12, 840 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad ng Zamboanga. 334 ang aktibong kaso, 11, 874 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 632 naman ang pumanaw mula sa sakit.

Samantala, nakapagtala ng 32 na panibagong kaso ng Covid-19 ang ILIGAN CITY as of SEPTEMBER 6, 2021.
Sa kabuuan umaabot na sa 3959 ang kaso ng covid-19 na naitala sa Iligan city. Mayroon itong 796 na aktibong kaso ng Covid-19, 2874 naman ang bilang ng recoveries at 289 ang Covid-related deaths.

Sa Davao city mayroon naman itong 730 new cases ng Covid-19 as of September 6, 2021.
14,903 Ang aktibong kaso ng covid-19. 57, 156 ang recoveries at 2, 300 naman ang bilang ng mga namatay mula sa sakit.
Sa kabuuhan umaabot na sa 74, 359 ang kaso ng Covid-19 sa Davao city.
