Kate Dayawan | iNEWS | September 24, 2021
Cotabato City, Philippines - Patuloy na isinasagawa ngayon ng Integrated Provincial Health Office ng Lanao del Sur ang pagbabakuna sa mga indibidwal na kabilang sa priority list ng gobyerno sa nasabing probinsya.
As of September 21, 2021, abot na 94,870 doses ang naibigay sa mga mamamayan ng lalawigan at 52,391 sa nasabing bilang fully vaccinated na.
Sa ngayon ay patuloy na hinihkayat ng IPHO-Lanao del Sur ang mga nasasakupan nito na magpabakuna.
