top of page

CREAMLINE COOL SMASHERS, HANDANG-HANDA NA PARA SA ASEAN GRAND PRIX

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Matapos lumipad kahapon patungong Nakhon Ratchasima, Thailand ang pambato ng Pilipinas na Creamline Cool Smashers...


Handang handa na nga ang mga ito para sa kanilang nakatakdang laban sa ASEAN GRAND PRIX na magsisimula bukas, September 9 hanggang 11.


Makakasagupa ng Team Philippines ang matitikas at mabibigat din na bansang Vietnam, Thailand at Indonesia...


Ngunit umaasa si head coach Sherwin Meneses na magtutuloy-tuloy pa ang magandang kabanata ng Creamline Cool Smashers matapos makuha ng koponan ang ikaanim na puwesto sa katatapos lang na Asian Volleyball Confederation - ang pinakamataas na puwestong nakuha ng Pilipinas sa isang Asian tournament.

0 views
bottom of page