top of page

CRMC, MAYROON NG HIV HACT TEAM NA SIYANG MAG-AASIKASO SA MGA HIV POSITIVE

Fiona Fernandez

COTABATO CITY — Pinalalakas pa ng Cotabato Regional and Medical Center ang paghahatid ng serbisyong medikal.


Isa si Dr. Norainie Kansi, isang Infectious Specialist sa mga nagpupursige matapos na magtatag ng HIV HACT Team na isang tugon upang hindi na magiging pahirapan pa ang pagbibigay ng lunas sa mga indibidwal na HIV positive.


Dagdag pa nito nagsasagawa sila ng therapy na siyang nakakatulong upang maiwasan, at maka-recover ang mga pasyente.


Sa paggunita rin ng HIV Awareness month ngayong buong linggo, sabay-sabay na nagsindi ng kadila ang mga ito araw ng martes, para sa komemorasyon ng mga nasawi dahil sa nasabing sakit at nagsagawa rin ng Voluntary Counseling and Testing.


Hinihikayat naman ni Dr. Kansi ang publiko na isaisip ang kalusugan hindi lang para sa sarili, kung hindi pati na rin sa mga posibleng tao na pwedeng mahawaan


Sa Cotabato City 1, 276 ang naitalang kaso ng HIV na siya rin sumailalim sa creening. Sa bilang na ito, marami dito ang lalaki kumpara sa babae.





11 views
bottom of page