CRMC, NAKIISA SA CERVICAL CANCER AWARENESS MONTH; LIBRENG SCREENING, HANDOG NG OSPITAL!
Fiona Fernandez

COTABATO CITY — Saya ang nararamdaman ngayon ni Lala Celeste dahil isa siya sa mga nakapa-rehistro sa librng Cervical Cancer Screening at PAPSMEAR. Hindi raw kasi biro ang mga ganitong sakit dahil sakit din daw ito sa bulsa.
Sa Cotabato Regional and Medical Center, kasalukuyang isinasagawa ang libreng cervical cancer screening at libreng PAPSMEAR para sa mga babae na may edad 25 pataas mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.”
Matatandaan na taong 2020, 600,000 ang naitalang mga babae na nagkaroon ng nasabing sakit sa buong mundo at 350,000 ang namatay. Dito naman sa Cotabato City, abot sa 4 ang na-admit at 2 dito ang nasawi.
Kaugnay dito, nais ding makipagtulungan ng CRMC sa Department of Health kaugnay sa pagsasa-publiko ng mga kaalaman tungkol sa cervical cancer na kung saan nangyayari ito sa cells ng cervix ng mga kababaihan.