DA, BINABANTAYAN ANG PRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN NGAYONG PAPASOK NA ANG HOLIDAY SEASON.
Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Ngayong simula na ng Ber months gayundin ang holiday season..
Inaasahang tataas rin ang demand ng ilang mga pangunahing sangkap sa pagluluto.
Kaya naman, mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Agriculture ang suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke.
Subalit una nang inihayag ng DA na may kakulangan na sa suplay ng puting sibuyas, bawang at asukal.
Ngunit ayon din sa DA na nagsimula na ang contract growing kung saan dalawan daang restaurants at tatlong malalaking fastfood chain na sa bansa ang nangontrata sa mga magsasaka na magtanim ng mga sibuyas upang may magamit sila sa kanilang negosyo.
Samantala, hindi naman sasapat ang suplay ng bawang hanggang sa katapusan ng taon ayon sa naging huling pagdinig sa Kongreso.
Sa ngayon ay nasa anim na porsyento lang ang lokal na bawang sa Pilipinas at siyamnaput apat na porsyento naman ang imported dito.