Kate Dayawan | iNEWS | October 6, 2021
Cotabato City, Philippines - Bilang pasasalamat sa sakripisyo, pagsusumikap at pakikipagtulungan sa Local Government Unit ng mga Barangay Community Volunteers sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, binigyan ang mga ito ng ayuda mula sa Provincial Government ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Nancy Catamco.
Abot sa 810,600 pesos na cash assistance ang ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa 193 barangay community volunteers. Bawat isa sa mga ito ay nakatanggap ng tig-4,200 pesos.
Natanggap rin ng limang daanag limamput dalawang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ang kanilang honorarium at BPAT uniform.
Bukod dito, nakatanggap rin ang mga community volunteer ng tig-limang kilo ng bigas at sanitation kits.
Kasama ng Gobernador sa pamamahagi si Efren F. PinĚol.
Nasa aktibidad din ang ilang mga Barangay Chairman mula sa Barangay Nasapian, Macabenban, Katanayanan, Tambad, Kitulaan, Ugalingan, Kimadzil, Palanggalan, Kibayao, at Manarapan.
