top of page

DAAN-DAANG RESIDENTE NG PARANG, PINAGKALOOBAN NG SERBISYONG MEDIKAL HANDOG NI CONG DIMPLE MASTURA

Joel Dela Cruz I iMINDSPHILIPPINES

Labis ang saya ng mga residente sa bayan ng Parang, Maguindano sa handog na outreach program ni Congresswoman Bai Dimple Mastura na isinagawa sa Punta Elementary School, Brgy Magsaysay, Parang Maguindanao.


Layon ng programa na makapagbigay at mailapit sa mga mamamayan ang tulong-medikal lalo sa mga higit na nangangailangan.


Photo courtesy: Cong Bai Dimple Mastura


Daan daang mga residente ang nakabenepisyo sa Tuli, Libreng Medical Check-up, Libreng Eye Check-up, Libreng Wheelchair at canes, Libreng eyeglasses, Libreng mga Gamot at vitamins , Libreng Legal consultation, at libreng gupit.


Katuwang ng Kongresista ng Masa ang Ministry of Health sa ilalim ng kanyang programang LIMO o Livelihood, Intervention for Women, Medical Assistance, Oplan Tulong.


END.

0 views
bottom of page