top of page

DAAN MULA MODON-KIANTAY-TUBURAN AT KIBANG SA BAYAN NG SURALLAH, SOUTH COTABATO, TAPOS NA!

Joy Fernandez | iNEWS | December 13, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato


Cotabato City, Philippines - Kabilang pa rin sa mga prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.---


Ay ang pagsasaayos ng mga daan sa probinsiya upang mas mapadali na ang transportasyon, pag-aangkat ng mga produkto patungong merkado at mapabilis na rin ang pagpapaabot ng serbisyo mula sa gobyerno.


Kaya naman isinakatuparan ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagsasaayos ng mga daan mula Modon-Kiantay-Tuburan at Kibang sa bayan ng Surallah.


Ang proyektong ito ay matagumpay na nagtapos at pinondohan ng mahigit sa labing siyam na milyong piso.


Ipinasisiguro lamang ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. na sabay-sabay aangat ang lahat sa Probinsiya ng South Cotabato sa pamamagitan ng Tama at Maayos sa serbisyo.

22 views
bottom of page