top of page

DAGDAG NA 3 MILYONG DOSES NG SINOVAC VACCINE, DUMATING NA SA BANSA.

Joy Fernandez | iNEWS | November 12, 2021

Photo courtesy : ABS-CBN


Cotabato City, Philippines - Higit sa 121.1 milyong doses ng COVID-19 vaccine na ang naipadala sa bansa----


kabilang na rito ang binili ng National Government na karagdagang tatlong milyong doses ng Sinovac Vaccine na dumating nitong araw ng huwebes.


Dahil dito nananawagan muli ang National Task Force on Covid 19 sa mga lokal na pamahalaan na bilisan na ang ginagawang pagbabakuna, gayundin sa mga hindi pa tumanggap ng kanilang bakuna.. kung maaari ay magpabakuna na kontra Covid-19.


Target ngayon ng gobyerno na maiturok ang 1 milyon hanggang 1.5 milyon doses ng covid-19 vaccine kada araw.


Sa ngayon, tatlumpung milyon na ang fully vaccinated sa bansa, ayon sa Malacañang.

9 views
bottom of page