Kristine Joy Carzo | iNews | September 6, 2021
Cotabato city, Philippines - Inihain ng Tawi-Tawi PNP ang Warrant of Arrest laban kay Al-nazar J. Abdain, pasado ala singko ng hapon, araw ng miyerkules dahil sa kasong murder.
Sa report ng Tawi-Tawi PNP, dinatnan nila si Abdain sa Barangay Pakias, Bongao na nagre-repack ng marijuana at isang white crystalline substance na pinahihinalaang shabu.
Bukod kay Abdain, arestado rin ang kasamahan nito dahil sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Republic Act. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nakuha naman sa posesyon ng mga suspek ang tatlong pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 60 grams na may street value na 408,000pesos at isang pack ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga naman ng 3,660 pesos-
isang Digital Weighting scale, isang caliber 45 pistoL na may lamang mga bala at isang inner holster na kulay itim.
Hawak na ng Bongao PPO ang mga suspek.

Photo by: PRO-BAR