top of page

DALAWANG HIGH-VALUE TARGET, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA AT PNP SA KORONADAL CITY

Kate Dayawan

(Photo courtesy: Police Regional 12) KORONADAL CITY — Himas-rehas ngayon ang dalawang high-value target nang matiklo ng mga operatiba ng PDEA South Cotabato Provincial Office at Koronadal City Drug Enforcement Unit sa inilunsad nito drug buy-bust operation sa Dizon Street, Purok Maligaya, Barangay GPS, Koronadal City , South Cotabato noong Miyerkules, May 25.


Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas Malou at Pogi-it, mga residente ng Koronadal City.


Dati nang nakulong ang dalawa dahil rin sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakalaya noong 2020.


Kahit nakulong na, bumalik pa rin sa dating iligal na gawain ang dalawang suspek.


Nakumpiska mula sa pag-iingat ng dalawa ang labing apat na sachet ng hinihinalag shabu na may timbang na mahigit kumulang 50 gramo at may estimated market value na 340,000 pesos.


Bukod pa ito sa nakuhang buy-bust money.


Muling mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 ang dalawang suspek na sa kasalukuyan ay nakapiit na sa PDEA ROXII Custodial Facility.



12 views
bottom of page