DALAWANG YUNIT NG SCHOOL BUILDING, ITINURN OVER NG MBHTE-BARMM SA MAGUINDANAO II SCHOOLS DIVISION

Kate Dayawan | iNews | iMindsPH


Cotabato city, Philippines - Matapos na makumpleto ang konstruksyon, agad na itinurn over ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education – BARMM ang dalawang school building projects sa maguindanao ii schools division na pinangangasiwaan ni Dr. Alma Nor noong araw ng Huwebes, a Dos ng Setyembre.


Matatagpuan ang isang 1-storey with 2-classroom building sa Buldon Central Elementary School na nagkakahalaga ng P 2,578,983.54 habang ang isang proyekto naman na 1-storey with 4-classroom building Datu Malambut Limokin National High School na nagkakahalaga naman ng P 4,756,250.62.


Ang pondong ginamit sa pagpapatayo ng dalawang school building ay kinuha mula sa 2018 Basic Education Facilities Fund.


Personal naman sinaksihan ni Buldon Mayor Abolais Manalao at Barira Mayor Abdulraof Tomawis ang Turn Over Ceremony at nagpaabot ng kanilang pasasalamat kay Minister Mohagher Iqbal at sa Bangsamoro Government dahil sa suportang ibinigay nito para sa edukasyon ng mga kabataan sa kanilang bayan.




Photo by: MBHTE-BARMM

5 views