DANCE INSTRUCTOR, HULI SA BUY-BUST OPERATION NG PULISYA SA ZAMBOANGA CITY

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Timbog ng pulisya ang isang dance instructor sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa, August 29, sa Bulls Eye Motel, Barangay Canelar, Zamboanga City.


Kinilala ang drug suspek na si Alyas Ron, kwarentay singko anyos, na residente ng Barangay Camino Nuevo, Zamboanga City at itinuturing na High Value target.


Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang nasa 50 grams ng hinihinalaang Shabu na nakakahakaga ng 340,000.00.


Nasa kustodiya na ngayon ng Zamboanga City Police Station 11 ang naarestong suspek para sa kaukulang dokumentasyon at mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

3 views