DATA PROTECTION

KAMPANYA SA DATA PROTECTION AT PAGLABAN SA DIGITAL FRAUD, PINALALAKAS PA NG PAMAHALAAN
National Privacy Commission - Pinirmahan na ng pamahalaan, sa pangunguna ng National Privacy Commission, ang isang kasunduan katuwang ang mga telecommunications company sa bansa upang mas palakasin pa ang kampanya sa data protection at paglaban sa digital fraud at iba pang cybercrimes.
Isang joint task force ang binuo kasunod ng kasunduang ito para sa mas mabilis na koordinasyon, mas maayos na communication system, at mas maayos na pagpapatupad ng data privacy at protection measures sa bansa.