top of page

Dating miyembro ng AFP, arestado matapos mahulihan ng hindi lisensyadong armas sa Pigcawayan, N Cot

Kate Dayawan | iNEWS | November 17, 2021

Photo courtesy : PRO 12 INFORMATION OFFICE


Cotabato City, Philippines - Kalaboso ang isang dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines matapos na mahulihan ng armas na walang kaukulang dokumento sa Barangay Presbitero, Pigcawayan, North Cotabato.


Kinilala ito sa pangalang Nando, 38 anyos at residente ng Cotabato City.


Sa report mula sa Police Regional Office 12, lulan umano ang suspek ng kanyang minamanehong sasakyan patungong Cotabato City, nang dumaan ito sa routinary checkpoint ay kinweston ito ng pinagsanib na pwersa ng 1203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12, Pigcawayan Municipal Police Station at 34th Infantry Battalion ng Philippine Army matapos na makita sa likod ng kanyang sasakyan ang isang M16 rifle.


At nang bigo nitong maipakita sa mga otoridad ang dokumento ng nasabing armas, dito na siya hinuli ng mga kapulisan.


Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Ayon sa Regional Director ng PRO-12, PBGen. Alexander Tagum, kanilang paiigtingin ang police visibility at law enforcement operations sa mga checkpoint upang maiwasan ang iligal na mga aktibidad, lalo na sa mga sangkot sa transportasyon ng iligal na bagay.


218 views
bottom of page